
May mangyayaring big switch sa Pepito Manaloto Kuwento Kuwento ngayong Sabado ng gabi, April 10.
Magugulat sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) nang malaman nila nagpalit ng trabaho ang driver nila na si Robert (Arthur Solinap) at kasambahay na si Maria (Janna Dominguez).
Maging effective kaya ang switching of their roles o magdulot ito ng katakot-takot na problema sa Manaloto mansion?
Isang malungkot na balita ang matatanggap ni Pitoy at kaibigan niya na si Patrick (John Feri) nang malaman nila na isang kaklase nila ang pumanaw.
Ano ang mangyayari kapag nagkaroon sila ng online reunion para sa yumaong classmate?
Panoorin ang paunang patikim ng award-winning sitcom sa episode this week sa video above o panoorin DITO.
Mag-relax this weekend at manood ng all-new episode Pepito Manaloto Kuwento Kuwento sa darating na Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa Sabado Star Power sa gabi.