
Are we seeing double?
Naku, mukhang may twin sister, este, brother si Robert (Arthur Solinap) sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.
Maraming empleyado at kahit si Pepito (Michael V.) mismo ang nakakapansin na may pagkakatulad sa kilos at hilig ang bagong nilang empleyado na si Raymond (Topper Fabregas).
Dahil hindi naniniwala si Raymond sa mga sinasabi ng mga katrabaho niya sa PM Mineral Water, hahamunin niya ang mga ito na patunayan. At sa oras na tama sila, sagot niya ang pizza!
Paano kaya mapapatunayan ng officemate ni Raymond na magkapareho nga sila ni Robert?
Mas masarap ang tawanan this weekend dahil makakasama natin sa hit sitcom sina Mikoy Morales, Roxie Smith, Sophia Senoron, John Clifford, at Topper Fabregas.
Walang a-absent sa panonood ng good vibes na hatid ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (November 4) sa oras na 7:00 p.m., pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.