
Up to the task ba ang mga empleyado sa PM Mineral Water sa next episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Target ng ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) na makasali sa WaterEx Trade Fair na gaganapin sa South Korea.
Kaya naman si boss, pinulong ang kaniyang team sa PM Mineral Water, dahil darating ang Korean organizer nito at kailangan nila ito ma-impress.
Pero, mukhang challenging ang mission, dahil si Mr. Park, ubod ng seryoso at masungit pa.
Mahuli kaya ni Pepito at ng kaniyang team ang kiliti ni Oppa Park?
Siguro ang umaatikabong tawanan sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, dahil makakasama pa natin sina Sean Lucas at Shemee Buenaobra!
Kaya nood na sa darating na March 25 sa oras na 7:00 p.m., pagkatapos ng Amazing Earth.
Msasaksihan n'yo na rin ang tawanan ng Pepito Manaloto sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.