
Pasko na sa Caniogan!
Mas lalong magkakalapit ang mga bida natin sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na sina Pepito (Sef Cadayona) at Elsa (Mikee Quintos), lalo na at magkasama silang aattend ng Simbang Gabi.
Matupad na kaya ang wish ni Pitoy na maging official na sila ni Elsa?
Samantala, umaasa pa rin si Aling Tarsing (Pokwang) ngayong Pasko na manunumbalik ang sweetness nila ni Mang Benny (Archie Alemania).
Mangyari na kaya ang minimithing Christmas miracle na ito Tars?
Ramdam hindi lamang ang simoy ng Pasko, pati ang kilig sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado ng gabi (December 18) 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.