GMA Logo Pepito Manaloto episode on December 18
What's on TV

Pepito Manaloto: Simbang Gabi time!

By Aedrianne Acar
Published December 16, 2021 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO issues SCO against motorcycle rider for inappropriate behavior
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode on December 18


Mukhang patuloy na mas nagiging sweet sina Pepito (Sef Cadayona) at Elsa (Mikee Quintos) habang tumatagal. Maging memorable kaya ang Pasko nilang dalawa ngayong Sabado sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento?'

Pasko na sa Caniogan!

Mas lalong magkakalapit ang mga bida natin sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na sina Pepito (Sef Cadayona) at Elsa (Mikee Quintos), lalo na at magkasama silang aattend ng Simbang Gabi.

Matupad na kaya ang wish ni Pitoy na maging official na sila ni Elsa?

Source GMA Network

Source GMA Network

Samantala, umaasa pa rin si Aling Tarsing (Pokwang) ngayong Pasko na manunumbalik ang sweetness nila ni Mang Benny (Archie Alemania).

Mangyari na kaya ang minimithing Christmas miracle na ito Tars?

Ramdam hindi lamang ang simoy ng Pasko, pati ang kilig sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado ng gabi (December 18) 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.