
Mukhang may bagong pagtatalunan sina Pepito (Sef Cadayona) at Elsa ( Mikee Quintos) sa huling Sabado ng Hulyo sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Magtatalo ang dalawa matapos sabihin ng Duran Duran fan na si Pepito na boring ang Spandau Ballet na favorite naman ni Elsa lalo na ang lead singer nito na si Tony Hadley.
Magkaayos kaya ang dalawa lalo na at naiyak si Elsa sa mga sinabi ni Pitoy?
Mapapasabak naman sa isang breakdance showdown si Patrick (Kokoy de Santos) kontra sa kanyang mga bully na sina Wendell (Kristoffer Martin) at Eric.
May chance kaya manalo ang lampang anak ni Nanay Rosa (Gladys Reyes) at matulungan kaya siya ng kanyang BFF na si Pepito?
Take a break and have some fun mga Kapuso sa panonood ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa oras na 6:15 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Related content:
Behind-the-scenes photos of 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'
TINGNAN: Ang mga bida sa bagong 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'