GMA Logo Pepito Manaloto stars
What's on TV

'Pepito Manaloto' stars, ipapatawag sa next session ng 'Your Honor'

By Aedrianne Acar
Published April 23, 2025 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto stars


Ituloy ang engrandeng “kuwentoversary” ng award-winning comedy show na 'Pepito Manaloto' sa 'Your Honor.' Abangan ang pagsalang nina Mosang, Arthur Solinap, at Janna Dominguez sa House of Honorables this weekend.

Isang masayang “kuwentoversary” ang susunod na session nina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar dahil haharap sa Your Honor ang mga bida ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.

Ipinatawag ng House of Honorables sina Mosang, Arthur Solinap, at Janna Dominguez para sa session nila na tinawag “In Aid of Getting Older: Tito and Tita problems.”

Ano-ano kaya ang legit tito and tita problems nilang tatlo?

At ano ang nararamdaman nila sa pagdiriwang ng kanilang hit sitcom ng kanilang 15th anniversary this month.

May mga ibubulgar ba sina Mosang, Arthur, at Janna na mga naganap sa taping ng Pepito Manaloto na ngayon lang natin malalaman?

Sit back and relax at yayain ang pamilya at ang barkada na tutukan ang Your Honor ngayong April 26 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.

RELATED GALLERY: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now