
Oh, hala!
Ang daming signs na inlababu sina Elsa (Mikee Quintos) at Pepito (Sef Cadayona) sa isa't isa.
Kahit si Aling Tarsing (Pokwang) kitang-kita ang magandang pagtitinginan ng dalawa.
Pero, sino sa dalawa nating bida ang unang aamin sa totoo nilang nararamdaman?
Mukhang merry ang Pasko ni Pitoy sa Caniogan!
Tutukan kung magaganap na ang pinakahihintay nating aminan sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado ng gabi (November 13), pagkatapos ng 24 Oras Weekend.