
Kahit na wala pang kasiguraduhan kung kailan sila magbabalik sa pagte-taping, sigurado namang tatalakayin ng Pepito Manaloto kung ano ang naging 'buhay quarantine' ng mga bida nitong sina Pepito at Elsa.
Ayon sa bidang aktor na si Michael V, na tumatayo rin bilang creative director ng show, gusto nilang ipakita kung ano ang naging karanasan ng Pamilya Manaloto sa gitna ng pandemya.
“Curious kami kung ano ang nangyari sa mga Manaloto at sa mga characters niya during quarantine,” pag-amin ni Bitoy.
“So most probably, hindi namin lalagpas 'yung chapter na 'yun ng istorya ng Pepito Manalo.”
Ngayong nagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ang show, pangako ni Bitoy na patuloy nilang lalagyan ng mga aral na may halong katatawanan ang programa.
Pepito Manaloto: 10 years after
Aniya, “Gusto niyo ng may aral, ito 'yung ibibigay namin sa inyo.
"At ang kapalit nun, siyempre, ang sukli nila sa amin ay yung continous na panonood at walang-sawang pagsubaybay. Kaya kami, taus-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga sumusubaybay sa Pepito Manaloto hanggang ngayon."
Samantala, natutuwa rin si Bitoy sa maraming naglalabasang fan cover ng theme song ng Pepito Manaloto.
WATCH: Fan made covers of the 'Pepito Manaloto' theme song
Panoorin ang reaksyon ni Michael V sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Kaya kung gusto ninyong matawa at matuto, laging panooring tuwing Sabado ng gabi ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.