
Masusubukan ang memory ng ating bida na si Pepito (Michael V.), dahil may special request ang kanyang misis na si Elsa (Manilyn Reynes) na regalo sa nalalapit nilang wedding anniversary.
Mahulaan kaya ni Pitoy ang ibinigay niya noon kay Elsa noong first monthsary nila o mapipikon ang kanyang misis sa mali-mali nitong regalo?
Matulungan kaya rin siya ni young Pepito (Sef Cadayona) para maalala ang first month nila noon maging mag-sweetheart sila ni Elsa (Mikee Quintos) noong '80s?
Extra sweet at extra funny ang special episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa darating na March 26, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Heto naman at balikan ang ilan sa bonding moments ng cast ng flagship Kapuso sitcom sa galleries below.