
Last kuwentuhan na ba this Saturday night?
Itigil n'yo na ang pagiging senti dahil more kuwentuhan pa ang hatid nina Pepito (Michael V.), Elsa (Manilyn Reynes), at Patrick (John Feir).
Isa sa panalong kuwentuhang dapat n'yo abangan ay kung papaano naging best friends-turned-brothers sina Pitoy at Patrick?
Isama n'yo pa diyan ang ilang patikim sa nalalapit na grand prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Anu-ano ba ang dapat abangan sa pagganap nina Sef Cadayona, Mikee Quintos, at Kokoy de Santos sa highly-anticipated sitcom ng GMA-7?
Kaya walang bibitaw sa kuwentuhang may dalang good vibes. Panoorin ang Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo sa Sabado Star Power sa gabi, July 10, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.