
Huwag magpahuli sa saya na hatid ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.
Problemado si Robert (Arthur Solinap) nang malaman nito na may traffic violation siya base sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Kaya naman sina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.), todo ang paalala sa mga anak na sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) na mag-iingat sa pagmamaneho.
Ang kaso, nakatanggap ng letter ang magkapatid na Manaloto na may NCAP traffic violation din sila.
Paano kaya itatago nina Chito at Clarissa ito sa kanilang mga magulang?
Tutukan ang masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check. Manood na ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa bago nitong oras na 7:15 p.m., after PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong November 8.
RELATED GALLERY: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST