
Tommy (Ronnie Henares), my friend, galante ka na raw?
May nakakagulat na mangyayari sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong November 16!
Mabibigla ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) dahil ang kapitbahay niyang manloloko na si Tommy, binigyan siya ng magandang relo.
Pero may duda si Pitoy na baka “fake news” lang ang ibinigay ni Tommy lalo na at nanghihingi 'to ng advice sa kanya tungkol sa pagbili niya ng farm sa Tarlac.
Totoo kaya na galante na si Tommy?
O dapat bang matakot ang mister ni Elsa (Manilyn Reynes) tungkol sa ikinuwento ni Patrick (John Feir) na nalaman niyang mga ninakaw na relo ang kapareho ng ibinigay sa kanya at suot ni Tommy, my friend?
Relax lang at tumawa habang nanonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong November 16, 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: VIRAL MEMES OF TOMMY