GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Valentine's Day plan ng mga Manaloto!

By Aedrianne Acar
Published February 15, 2024 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


Love is in the air ngayong Sabado ng gabi sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento!'

Sagot na namin ang matinding kilig sa Buwan ng mga Puso sa paborito n'yong sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong Sabado, February 17!

Nag-iisip ang ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) kung ano magandang gawin sa Valentine's Day kasama si Elsa (Manilyn Reynes) nang malaman nito na may lakad na si Clarissa (Angel Satsumi) with Jacob.

Dahil may kailangan siya puntahan na Korean exhibit, isasama niya ang misis para magkaroon sila ng quality time.

'Yun nga lang, mukhang ang one-on-one date nila magiging group date, dahil nandoon din sina Patrick (John Feir) at Janice (Chariz Solomon). At makikita rin nila sina Tommy (Ronnie Henares) at girlfriend niya na si Mara (Maureen Larrazabal)!

Paano ang date ng mag-asawang Manaloto?

At ang mas malaking tanong: mapigilan kaya ni Elsa na hindi gumastos ng mahal sa exhibit lalo na at nangako siya sa mister?

Ito naman si Chito, mapapasubo naman sa double date ngayong Sabado ng gabi!

Mayayaya ng guwapong binata si Amber (Roxie Smith) na lumabas sa Araw ng mga Puso, pero nang makita niya ang conyo girl na si Cara (Sophia Senoron), hindi nito sinasadya na maimbita din ito.

Sino sa dalawang pretty ladies ang magiging date ni Chito? Mahaba-habang explanation na naman ito!

All-out ang saya na hatid ng flagship Kapuso sitcom, dahil makakasama natin ang mga guest na sina: Cheska Fausto, Roxie Smith, Jimwell Ventinilla, Lady Gagita, at John Clifford.

Huwag palagpasin ang kilig-filled episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na February 17 sa oras na 7:15 p.m..

RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS WITH THE PEPITO MANALOTO CAST