
Mukhang tinatamaan si Tommy (Ronnie Henares) , friend sa mga salita ni Father!
Viral ngayon sa Facebook ang isang old clip ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto, kung saan umattend ng binyag sina Pepito (Michael V.) at Tommy.
Kitang-kita ang intensity ni Tommy na 'tila tinatamaan sa mga sinasabi ni Father na itakwil si Satanas.
Napahirit tuloy si Pitoy at sinabi sa kaniya, “Uy, relax! Nahahalatang guilty ka.”
Puring-puri ng mga netizens ang performance ni actor-director na si Ronnie Henares. Sa loob lamang ng isang araw, umani ng mahigit 1.4 million views, 116,000 reactions, and at least 1,000 comments ang viral video na ito sa Pepito Manaloto.
Manood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento every Saturday night, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!
VIRAL MEMES OF TOMMY DIONES: