
Espesyal ang New Year's day episode ng paborito ninyong Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, dahil mas bongga ang kulitan at kilig sa season two ng show.
Mabigyan na ba ng linaw nina Pepito (Sef Cadayona) at Elsa (Mikee Quintos), kung ano ang real score sa kanilang dalawa.
Bukod pa riyan, mas busog ang tawanan at good vibes na mapapanood natin linggo-linggo, dahil fast forward ang kuwentuhan from 1986 to 1988.
Source: GMA Network
Anu-ano ang bagong adventures ng barkada sa Caniogan nina Pitoy at Elsa kasama ang hotdog lover na si Patrick (Kokoy de Santos)?
Source: GMA Network
At may big transformation na mangyayari, matapos ang dalawang taon, ang dating carinderia owner na si Aling Tarsing (Pokwang) mas fashionista na!
Teka, magkaaway pa kaya sila Mang Benny (Archie Alemania) at Nanay Rosa (Gladys Reyes)?
Itodo ang family bonding with the whole family habang bakasyon.
Mas masaya at mas makabuluhan ang aral na matutunan natin mga Kapuso with the new season ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado ng gabi 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.