What's Hot

Pepito Manaloto: War over na ba sa pagitan nina Patrick at Baby?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 8, 2020 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sherwin Gatchalian allows Senate staff to work from home on day of Alan Peter Cayetano's Blue Ribbon hearing
Students in Iloilo protest choice for recognition day speaker
MURO-AMI: THE MAKING | PART 2

Article Inside Page


Showbiz News



Sabay-sabay na tumawa at tumutok sa nakakabilib na episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, this July 9, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.  


Mukhang ang palaging magkaaway na sina Baby at Patrick ay magiging mag-best friend na!

Iniligtas ni Patrick si Baby ng nagka-apoy sa kusina. Dahil dito ay palagi nang mabait ang pakikitungo ni Baby kay Patrick.

Kahit nga sina Elsa hindi makapaniwala sa kabaitan ni Baby sa mortal niyang kaaway. Magwawakas na ba ng tuluyan ang bangayan sa pagitan nina Patrick at Baby?

Ito naman si Tommy susubukan na namang gulangan ang masuwerteng milyonaryo na si Pepito. Naghahanap kasi ang negosyante ng lupang pagtatayuan ng bagong warehouse ng mineral water business sa Laguna.

Ano kaya ang gagawin ni Tommy para pagkakitaan na naman si Pepito at ano ang magiging papel ng tusong pinsan ni Mimi para maisakatuparan ni Tommy ang kaniyang mga plano?

Sabay-sabay na tumawa at tumutok sa nakakabilib na episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, this July 9, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.  

MORE ON 'PEPITO MANALOTO':

'EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

'Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement

Julie Anne San Jose, parte ng creative team ng 'Pepito Manaloto?'