
Grabe ang chikahan ang mararanasan ni Pepito (Michael V.) sa funny episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.
Maiipit si Pitoy sa kuwentuhan kay Cocoy Lachica (Gian Magdangal) na walang tigil ang bunganga sa kakakuwento ng samu't saring bagay tungkol sa kaniyang buhay.
Paano matatakasan ng mister ni Elsa (Manilyn Reynes) ang chatterbox na si Mr. Lachica?
Tutukan ang all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong August 15 sa oras na 7:15 p.m., pagkatapos ng The People Have Spoken.
Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors