
May bagong papasukin business si Pepito (Michael V.) sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa huling Sabado ng Agosto!
Mabibigla ang asawa ni Elsa (Manilyn Reynes) na habang bumibili siya sa suki niya sa buko na si Jomar ay bigla itong kakaripas ng takbo para sa isang emergency.
Ang ending, maiiwan kay Pitoy ang kariton niya na puno ng buko.
Ano ang magiging reaksyon ng mga nakakakilala sa kaniya na ang CEO ng PM Mineral Water, isang buko vendor na?
“K-tastic” din ang episode ng award-winning Kapuso sitcom this weekend dahil special guest ang Lapillus member at Sparkle star na si Chanty Videla.
Huwag papahuli sa exciting end for the month of August! Manood na episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong August 31 sa oras 6:15 p.m. bago ang Running Man Philippines season two.
RELATED GALLERY: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST