GMA Logo Perfect Marriage Revenge on GMA
What's Hot

'Perfect Marriage Revenge,' mapapanood na mamaya!

By Aimee Anoc
Published January 20, 2025 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Perfect Marriage Revenge on GMA


Samahan sina Jung Yoo-min at Sung Hoon sa global hit K-drama series na 'Perfect Marriage Revenge,' mamayang 5:10 p.m. sa GMA!

Mapapanood na tuwing hapon sa GMA ang global hit K-drama series na Perfect Marriage Revenge.

Pagbibidahan ang revenge drama ng Korean stars na sina Jung Yoo-min at Sung hoon, na makilala bilang Margo at Diego. Makakasama rin nila sa serye sina Kang Shin-hyo bilang Rico, Ji Jin-hee bilang Viola, at Oh Seung-yoon bilang Jason.

Magsisimula ang exciting na kuwento ng Perfect Marriage Revenge nang magising na lamang si Margo isang taon bago ang nangyaring car accident sa kanya, kung saan engage pa lamang siya noon kay Jason.

Sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa kanya, determinado si Margo na baguhin ang lahat at makapaghiganti sa pamilyang umampon at umapi sa kanya, kasama na ang asawang si Jason na ginamit lamang siya para mapalapit sa stepsister na si Viola.

Para sa kanyang perfect revenge, pumasok si Margo sa isang contract marriage kay Diego, na apo ng isang maimpluwensyang pamilya.

Ang kasal na nagsimula sa sabwatan, mauuwi kaya sa totoong pagmamahalan?

Abangan ang Perfect Marriage Revenge Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI SUNG HOON SA GALLERY NA ITO: