
Bagong romance, revenge drama ang tututukan ngayong Enero sa GMA sa pagdating ng global hit Korean series na Perfect Marriage Revenge.
Pinagbibidahan ito ng Korean stars na sina Jung Yoo-min at Sung Hoon, na makikilala bilang Margo at Diego. Kasama rin nila sa serye sina Kang Shin-hyo bilang Rico, Ji Jin-hee bilang Viola, at Oh Seung-yoon bilang Jason.
Tampok sa Perfect Marriage Revenge ang kuwento ni Margo, adopted daughter ng isang mayamang pamilya. Sa kabila ng pang-aapi at malamig na pakikitungo sa kanya ng pamilya, nagsumikap siya para makuha ang kanilang pagmamahal at pagtanggap.
Kasal si Margo kay Jason, pero ang hindi niya alam ay mayroon palang pagtingin si Jason sa nakababata niyang kapatid na si Viola. Matapos na masangkot sa isang car accident, nagising na lamang si Margo isang taon bago ang aksidente kung saan engaged pa lamang siya noon kay Jason.
Determinado si Margo na baguhin ang lahat at pumasok sa isang contract marriage kay Diego, na apo ng isang maimpluwensyang pamilya, para sa isang perfect revenge sa mga taong umapi sa kanya.
Abangan ang Perfect Marriage Revenge simula January 20, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI SUNG HOON SA GALLERY NA ITO: