
Todo ang energy at saya ng noontime program na It's Showtime nitong Lunes (July 15) dahil bumisita ang iconic Kapuso star na si Rufa Mae Quinto.
Umpisa pa lang ng FUNanghalian sa programa, todo hiyawan na ang madlang Kapuso dahil sa special number ng comedienne.
Naghandog kasi ng harana si Rufa Mae sa audience ng mga sikat na kantang "Everytime You Go Away" (Paul Young), "I'll Never Go" (Erik Santos), at "My Heart Will Go On" (Celine Dion).
Pero may kakaibang twist ang kaniyang rendition dahil kada awit niya ng salitang "go," dadagdagan niya ito ng kaniyang iconic line na "go, go,go!"
Mas natawa ang netizens nang biglang nagsimulang mag-host si Rufa Mae ng programa pagkatapos mismo ng kaniyang performance.
Kinaaliwan din nila ang comedy greetings ng Kapuso star katulad ng "Madlang People, welcome to me!" at "What's up.. must come down, madlang people!"
Natawa rin ang mga host sa energy at kulit ng comedienne; tila nasisiyahan sila sa kaguluhan na nangyayari on stage.
Pero mas nagulat at natawa sila kay Rufa Mae nang biglang nagtanong ito sa madlang Kapuso kung nais ba nilang makita siyang mag-host sa programa araw-araw.
"Pero don't worry everyday na kasi dito na ako titira sa kanto. Everyday. I approved myself. Gusto niyo ba ako mag-regular?," sabi ni Rufa Mae.
Nagpatuloy pa ang kulitan at asaran ng mga host sa kanilang kuwentuhan kasama ang Kapuso comedienne.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, tingnan ang mga nakaaaliw na captions ni Rufa Mae sa Instagram: