GMA Logo Smokey Manaloto and Zephanie as Perry and Jeni Sicat in Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Perry Sicat, hinahangaan ng mga manonood ng 'Born to Shine' dahil sa suporta nito kay Jeni

By Kristian Eric Javier
Published March 31, 2026 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sweden charges man for selling wife to 120 men
Ateneo implements temporary restrictions on international and domestic travel across the Higher Education cluster
Spring into Fresh Stories and Familiar Favorites: GMA Pinoy TV's Must-Watch for April 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Smokey Manaloto and Zephanie as Perry and Jeni Sicat in Born to Shine


Puno ng paghanga ang netizens at fans sa karakter ni Smokey Manaloto na si Perry Sicat sa 'Born to Shine.'

Puno ng paghanga ang mga manonood ng musical-drama series na Born to Shine kay Perry Sicat, ang karakter na ginagampanan ni real dad Smokey Manaloto dahil sa suportang ipinapakita nito sa anak na si Jeni, ang role na ginagampanan naman ni Zephanie.

Sa simula ng serye, ipinahayag na ni Jeni ang kagustuhan na umawit at maging magaling na singer, kagaya ng inang si Minchie (Manilyn Reynes). Ngunit dahil sa mapait na karanasan, ayaw na sana ni Minchie na pagdaanan ng anak ang kaniyang mga karanasan.

Ngunit si Jeni, patago man, patuloy pa rin ang pagsubok tuparin ang kaniyang mga pangarap kaya si Minchie, hindi maiwasang magalit at masaktan ang anak. Ngunit si Perry, nanatili ang suporta para sa anak at sa pangarap nito.

Sa katunayan, sa tulong ng kaibigan nilang si Charice (Tina Paner) ay paulit-ulit nilang nabigyan ng pagkakataon si Jeni para ipamalas ang angking galing sa pagkanta, dahilan para magalit din sa kaniya si Minchie.

Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin ang suporta ni Perry sa anak na hanggang ipagtanggol maging mula sa kaniyang sariling ina, para lang matulungan si Jeni.

BALIKAN ANG MALA-CONCERT NA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Sa mga social media sites, lalo na sa TikTok, lubos ang paghanga ng mga manonood kay Papsi Perry dahil sa pinapakita nitong suporta kay Jeni at sa asawang si Minchie. Sabi pa nga ng isang netizen, “What's that line again? Not a stepdad… a dad who stepped up. Tatay Perry.”

Komento ng isa pang netizen, “Mabait ang tatay at supportive pa.”

Marami rin ang bumilib kay Smokey bilang isang aktor. Sabi ng isang netizen, “Smokey Manaloto 🤩❤️🥰 a brilliant actor, versatile. Mapa-comedy or drama magaling talaga. Walang kupas, pero mas kumikinang.”

“Galing ni Smokey, and yung reaction ni Manilyn kay Smokey 👏👏👏” sabi naman sa isa pang komento.

“Magaling talaga si Smokie Manaloto sa acting Lalo sa drama pag guest siya sa mmk napapaiyak nya lagi ako..,” sabi naman ng isa pa.