
Hindi lamang balita ang hatid ng GMA News and Public Affairs personalities ngayong Sabado, December 5 dahil baon-baon din nila ang katatawanan at kaalaman sa Celebrity Bluff!
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Ang ating mga tagapaghatid ng balita, masusubok ang fact-checking at pag-spot ng fake news ngayong sila ang maglalaro ng “Fact or Bluff.” Magkakampi sina Aubrey Carampel at Oscar Oida, magka-tandem sina Love Anover at Luane Dy, at magkapares naman sina Kara David at Sandra Aguinaldo.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.