
Matapos ang mahigit dalawang dekada, nagbabalik sa GMA Network ang tinaguriang "King of Talk" na si Boy Abunda.
Sa isang grand welcoming event, pormal nang pumirma ng kontrata sa GMA ang premyadong TV personality ngayong Huwebes, December 15, kasama ang ilang opisyal ng nasabing media giant gaya nina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Entertainment Group Janine P. Nacar, First Vice President for Entertainment Group Darling D. Bodegon, Senior Assistant Vice President for Entertainment Group Gigi S. Lara, Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier-Cruz, First Vice President, Head of GMA Regional TV and Synergy, Acting Head of GMA Integrated News, Oli B. Amoroso, First Vice President and Head of Operations, GMA Pinoy TV, Joseph T. Francia, Senior Vice President and Chief Technology Officer, NMI Raymund Sarmiento, and Senior Program Managers Enri Calaycay and Nini Matillac.
Malaki ang paniniwala ni Atty. Felipe Gozon kay Boy Abunda. Sa kanyang welcome message, sinabi niya na "Si Boy [Abunda] ang King of Talk na maraming gumagaya ngunit hindi pa siya napapantayan. I am confident that Boy's future here in GMA Network will be nothing but success. Welcome to GMA Network again Boy Abunda."
Sa kanyang thank-you speech naman, pabirong sinabi ni Boy na, "Tama po kayo, nag-umpisa po ako dito sa GMA-7, meron pa akong buhok no'n. Ngayon wala na po, pero laban pa rin."
Nag-uumapaw rin ang pasasalamat ni Boy Abunda sa network executives. Nangako siya na ibibigay niya ang kanyang best para sa Kapuso network.
"Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala. Sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer. Maraming salamat po sa iyong paniniwala po sa aking pagkatao. Maraming salamat po sa makapusong pagtanggap n'yo dito sa akin dito sa GMA-7. I am grateful. Hindi po ako mangangako, Atty. Gozon. I will commit to working hard, to doing the best I can, to be able to deliver the best entertainment, the best interviews, the best shows that I am going to do for GMA-7. Salamat."
Ayon sa batikang TV host, masaya siya sa kanyang desisyon na magbalik sa kanyang unang naging tahanan.
Bago pa man ang kanyang pagbabalik-Kapuso, nauna nang sinabi ni Boy sa ilang mga interview kamakailan na gusto niya nang makabalik sa telebisyon.
Aniya, “'Yung nauunawaan kung nasaan ako. Kasi hindi naman na ako 20 years old. I'm not starting a career on television. If there's one immutable law in the business, it is that nothing lasts forever.”
“So I'm at that stage where I want to go back to where I want to be able to do what I do best,” dagdag pa niya.
Ilan sa mga tumatak na programa ni Boy noon sa GMA ay ang showbiz-oriented talk shows na Show and Tell at Startalk taong 1994 hanggang 1999.
Kahit nasa ibang istasyon, hindi naman naputol ang ugnayan ni Boy at ng GMA. Sa katunayan, siya pa ang isa sa naging mentor ng ilang GMA at Sparkle artists sa isinagawang "Breakout Room: Master Class Series" workshop noong nakaraang taon.
Sa kanyang pagbabalik sa GMA, tiyak na marami pang proyekto ang dapat abangan sa nag-iisang "King of Talk" ng bansa.
Congratulations and welcome home, Kapuso!
KILALANIN ANG MGA NAGING ALAGA NI BOY ABUNDA SA SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO: