GMA Logo susan roces
What's Hot

Philippine movie queen Susan Roces, pumanaw na sa edad na 80

By Jimboy Napoles
Published May 20, 2022 11:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

susan roces


Rest in peace, Ms. Susan Roces.

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Susan Roces, o Jesusa Sonora Poe sa tunay na buhay, sa edad na 80.

Ang balitang ito ay kinumpirma ng anak ni Susan na si Senadora Grace Poe sa kanyang ipinadalang mensahe sa media ngayong gabi, May 20.

Aniya, "With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces.

"She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends."

Dagdag pa niya, "She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness. "

Malungkot din itong ibinalita ng pamangkin ng namayapang aktres, si Lawrence Cruz Sonora, sa Facebook ngayong gabi.

Nagpalit rin ng display picture si Lawrence sa kanyang Facebook account kung saan makikita ang larawan ng nakasinding kandila na tanda ng pagluluksa sa yumaong kaanak.

Agad na nagkomento rito ang dating aktor na si Herbert Bautista.

"Sad. Our prayers," komento ni Herbert.

Isa rin sa mga unang nagpahayag ng pagdadalamhati ang showbiz personality na si Ogie Diaz sa pamamagitan ng Twitter post.

Si Susan ay isa sa mga itinuturing na haligi ng takilyang Pilipino at asawa ng namayapang aktor na si Fernando Poe Jr.

Narito naman ang ilan sa mga kilalang komedyante sa industriya ng showbiz na pumanaw na. Balikan ang kanilang mga ala-ala sa gallery na ito.