
The Multiverse of Baldness!
Kinaaliwan ngayong sa social media ang hilarious photo ng King of Talk na si Boy Abunda kasama ang award-winning comedian na si Michael V. at iba pang ka-Bubble barkada.
Makikita na on point ang panggagaya nila sa isang sikat na Spider-Man pointing meme. Sa ngayon may mahigit 51,000 likes at nai-share na ito ng 4,800 times sa Facebook.
Ayon sa isang report ng Gamerant.com, ang imahe ng dalawang Spider-Man na nagtuturuan ay kuha sa episode ng Spider-Man cartoon series noong 1967.
Marami ring netizens ang nagkomento sa viral photo tulad ng former Bubble Gang cast na si Eri Neeman na humirit na, “Ba't tag kayo ng tag?”
Matatandaan na tampok si Eri sa sikat na “Boy Pick-up” segment ng gag show noon kung saan bida sina Ogie Alcasid at Sam Pinto.
Post naman ng netizen na si Jich Agalp, “Kung sino man ang nasa likod at utak ng segment na ito SLOW CLAP.”
Kung na-miss n'yo ang sketch kung saan bida si Tito Boy sa “Bente O-chew” anniversary episode, puwede n'yo ito panoorin sa official showpage ng Bubble Gang sa GMANetwork.com o bisitahin ang YouTube page ng YouLOL!
GET TO KNOW THE MULTI-TALENTED HOST BOY ABUNDA HERE:
Mapapanood naman ang second part ng grand anniversary special ng Kapuso gag show ngayong November 26 sa oras na 6:35 p.m.