
May pasilip sa mga intense at hot scenes ang Kapuso primetime stars na sina Max Collins at Rocco Nacino sa pagbibidahan nilang soap na To Have And To Hold.
Source: GMA Drama Inside (FB)
Umani ng libo-libong likes sa Facebook ang patikim na eksena nila sa Kapuso soap, kung saan gaganap sila bilang sina Gavin at Dominique Ramirez.
Bukod sa dalawa, kabilang din sa upcoming project na ito ang former Love of My Life star na si Carla Abellana, StarStruck season 7 finalist Athena Madrid at ang model-actor na si Luis Hontiveros.
Huling soap ni Rocco ang GMA Telebabad romcom series na Owe My Love at bago nito ay bida rin siya sa Pinoy adaptation ng hit K-drama series na Descendants of the Sun.
Samantala ang To Have And To Hold ang unang TV series ni Max Collins matapos niya isilang si Skye Anakin noong July 2020.