GMA Logo Pia Arcangel talks about Mike Enriquez
Sources: piaarcangel/IG, gmanetwork/IG
What's on TV

Pia Arcangel shares what Mike Enriquez told her about money in journalism

By Kristian Eric Javier
Published March 17, 2025 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Pia Arcangel talks about Mike Enriquez


Anu-ano nga ba ang mga natutunan ni Pia Arcangel mula kay Mike Enriquez?

Binalikan ni Pia Arcangel ang isang pag-uusap nila ng yumaong mamamahayag na si Mike Enriquez tungkol sa pera sa journalism, at kung ano ang payo nito sa mga bagong aplikante na gustong makapasok sa industriya.

Sa pagbisita ni Pia, kasama si Ivan Mayrina, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, March 14, tinanong sila ni King of Talk Boy Abunda kung malaki ba ang kinikita nila bilang journalists.

Pag-amin ni Pia, iyon ang tanong na madalas nilang marinig tuwing nagbibigay sila ng career talks. Aniya, may mga magulang kasi na hindi pinapayagan pumasok sa media ang kanilang mga anak dahil maliit lang umano ang kikitain nila dito.

Pero pumasok umano si Pia sa media dahil iyon naman talaga ang gusto niyang gawin.

“I remember when I interviewed Sir Mike Enriquez, he always said, 'Wag mo kasing iniisip kung magkano ang kikitain mo 'pag pumasok ka dito sa trabahong ito,'” sabi ni Pia.

Dagdag pa ng batikang journalist, madalas umanong tinatanong ng GMA Pillar ang mga bagong aplikante, “Bakit mo ako tinatanong kung magkano ang kikitain mo? That's a telling sign, for me, kung how much you wanted to do this job. Kung pera agad ang iniisip mo, 'wag na tayong mag-usap.”

Aniya, iyong mentality na iyon ang dala-dala nila sa industriya, “And if we carry that mentality with us, we'll stay in the industry. The reward will come later on.”

Sinang-ayunan naman ni Ivan Mayrina ang sinabi ni Pia, at ikinuwento pa niya kung papaano rin siya nagsimula sa pinakamababa noong pumasok siya sa media 25 years ago.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG LEGACY NA NAIWAN NI MIKE ENRIQUEZ SA GALLERY NA ITO: