
Maging ng Eat Bulaga! Dabarkad na si Pia Guanio ay hindi nakaligtas sa pamumuna sa social media.
Kamakailan lang ay nakatanggap ng maaanghang na salita ang 46-year-old TV host tungkol sa kanyang pisikal na itsura matapos ibahagi ang kanyang night time routine sa Instagram.
Kalakip ang thumbs down emojis, sulat ng netizen, "Don't act like [you're] young coz your face tells your age [is] 46, sorry, we are just being honest. Kawawa ka naman, trying hard ka masyado."
Kalmado namang sinagot ni Pia ang kanyang basher. Pahayag niya, "We must bless and not curse. Thank you and God bless you all!"
Nagpahiwatig naman ng suporta ang ilang followers ni Pia matapos siyang makatanggap ng pambabatikos.
Sabi pa ng isang netizen, "I can't believe na may mga bashers pa si Miss Pia, she's a perfect woman for me. She's beautiful, sexy, smart, and talented... Aside from that, she's a good wife and one of the best mothers... Kalungkot na may ibang tao na ayaw maging masaya para sa iba."