GMA Logo Pia Guanio and her kids
Celebrity Life

Pia Guanio, saan iginala ang mga anak habang may umiiral na community quarantine?

By Aedrianne Acar
Published April 15, 2021 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BRP Emilio Jacinto conducts maritime patrol, test fire off Zambales
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Pia Guanio and her kids


Ipinasilip ng 'Eat Bulaga' host na si Pia Guanio ang simpleng outdoor activity kasama sina Scarlet at Brooklyn.

Dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 infections sa bansa at extended ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at ilang kalapit nitong probinsya, mas pinili ng pamilya ng Eat Bulaga host na si Pia Guanio na magsagawa ng kanilang outdoor activity, malapit sa kanilang tahanan.

Source piaguanio mago IG

Sa Instagram post ng celebrity mom noong April 14, kasama ni Pia at asawa niyang si Steeve Mago na maglakad-lakad sa kanilang barangay ang kanilang mga anak na sina Scarlet at Brooklyn.

Aniya, “Thankful for everything, LORD! Good morning! ☀️ Thankful also to our barangay for allowing the kids to get fresh air and sunshine! Praying for the welfare and the happiness of all our kids during this time!”

A post shared by Pia Guanio-Mago (@piaguanio_mago)

Ikinasal si Pia sa at Steeve noong 2011 at biniyayaan sila ng una nilang supling na si Scarlet Jenine pagkalipas ng isang taon.

Isinilang naman ng TV host taong 2017 ang kanyang second daughter na si Soleil Brooklyn.

Silipin ang ilan sa outdoor activities ng mga paborito ninyong idols ngayong new normal sa gallery below.