GMA Logo pia moran
Source: Pia Moran/FB
What's Hot

Pia Moran, may isang pinanghihinayangan sa buhay

By Kristian Eric Javier
Published August 7, 2024 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

pia moran


Ayon kay Pia Moran, hindi niya naramdaman ang pagiging superstar noong kasikatan niya. Alamin ang kuwento rito:

Isa sa mga pinakakilalang celebrity noong '80s ay ang dancer-turned-actress na si Pia Moran. Gayunman, inamin niyang hindi niya pinangarap noon na mag-artista, at sa katunayan, meron siyang isang regret sa buhay.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Pia na nagsimula ang career niya bilang isang dancer sa mga club. Aniya, 15 o 16 taong gulang pa lang siya noon nang magsimulang magtrabaho sa isang mall bilang live mannequin. Kumikita rin siya ng extra mula sa pagsasayaw sa mga club.

“Nagshu-show kami talaga. Pagkatapos ng trabaho namin, pupunta kami sa [clubs], may mga schedule kami. Dito sa Timog lang 'yan, iniikot namin. May mga show pa nu'n dati, lunch, usong-uso pa dati 'yan, lagari kami,” sabi ng dating aktres.

Kuwento ni Pia, biglaan ang pagsikat niya noon sa entertainment industry, lalo na at wala naman siyang lahing artista at wala rin kamag-anak na artista o nasa showbiz.

Aniya, nakatambay lang sila noon sa labas ng club na pinagtatrabahuhan nila nang makita nila na may nashu-shooting sa tapat. Hindi dumating ang babae na extra sana sa pelikula, kaya kinuha siyang kapalit nito.

“Nanonood ako ng ganu'n, chismosa ako. Siguro nakita 'yung mukha ko, hindi pa'ko naaksidente nu'n, kahit saang anggulo pala ng mukha ko, maganda. Ngayon lang hindi maganda. Kahit saan daw nagustuhan nila 'yung ano ng mukha ko, hindi mahirap kunan,” kuwento ni Pia.

Pagpapatuloy pa ni Miss Body Language, noong inalok siyang mag-extra ay tinanggihan niya nu'ng una dahil hindi niya maiwan noon ang trabaho sa club. Ngunit kalaunan ay napapayag din siya nang sabihin na kahit isang araw lang siya mag-shoot.

“Nu'ng nag-decide ako, hindi na 'ko pumasok sa pagmo-model, hindi na 'ko sumipot. Thank God naman naderederetso naman ako nu'n. 'Yun ang start ng buhay sa'kin ng showbiz,” sabi niya.

Ngunit ayon kay Pia, “Wala naman sa isip ko na maging superstar. Basta ako, trabaho, 'yun lang ang akin, masaya ako. Sinuwerte naman ako at nakilala ako.”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGTAPOS NG KANILANG PAG-AARAL SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin ni Pia, hindi naman niya naramadaman na isa siyang superstar noon kahit sikat na siya. Aniya, nasanay na rin kasi siya sa kaniyang trabaho bilang dancer sa club.

Aniya, “Kumbaga, pinapalakpakan din ako, natutuwa sa 'kin, magaling ako mag-perform. Kumbaga, wala akong feeling na star. Basta feeling ko, gusto ko may trabaho lang.”

Sang-ayon din siya sa sinabi ni Nelson Canlas na hindi siya nagbuhay prinsesa at katunayan, first year highschool lang ang natapos niya.

“Pero hindi lang dahil sa first year ka. Nakakatuwa, lalong naging mas malawak 'yung pag-iisip ko. Ang gustong-gusto ko talaga, nag-aaral lang,” sabi niya.

Nang tanungin si Pia kung iyon ba ang number one regret niya sa buhay, ang sagot ng dancer-turned-actress, “Siyempre, oo, gusto ko ma-experience ko 'yung high school day ko, 'yung mga ganu'n ba. Siyempre, iba 'yun, e.”

Pakinggan ang interview ni Pia dito: