A photo posted by Pia Alonzo Wurtzbach (@piawurtzbach) on
Aminado si Binibining Pilipinas-Universe Pia Wurtzbach na kinakabahan na siya para sa darating na Miss Universe pageant. Kaya naman, ngayon palang ay focused na siya sa paghahanda.
“I feel pressure now definitely. But then ‘yun mararamdaman mo talaga pag inannounce na nila kung kailan at saan eh, because pag nag-announce na sila ng pageant night, may countdown ka na sa isip mo,” kuwento nito sa panayam ng Balitanghali.
“As early as now I’ve started training already. I go to the gym every day,” patuloy niya.
Hiningan din ng opinyon ang beauty queen tungkol sa naging kontrobersyal na gown ni MJ Lastimosa noong nakaraang taon.