
Masaya si Pia Wurtzbach na ibahagi ang kanyang 4th batch ng donations.
Sa kanyang fundraiser namamahagi si Pia ng protective gears tulad ng face masks sa frontliners.
Ayon sa kanyang bagong post, iba't ibang klase ng mask ang kanilang naipamahagi sa 20 hospitals.
"Ginabi na kami. Our 4th batch of donations and this time we're sending out 10,000 N88 masks, 1,000 KN95 masks and 350 face shields to 20 hospitals. "
Malaki rin ang pasasalamat ni Pia sa mga patuloy na nagdo-donate sa kanyang ginawang fundraiser.
Umaasa rin umano siya na magpatuloy ang pag-share ng kanyang followers ng posts tungkol sa kanyang fundraiser.
"It's also our 4th week already and we're so grateful to everyone who's donated. Maraming salamat po. To donate, please check my stories and my link in bio. "
"And guys, kahit share and repost or story, malaking tulong na yun sobra. Maraming salamat po"
Mga celebrities na naghatid ng tulong sa frontliners