
Kasalukuyang nasa London, England si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kasama ang kanyang ang pamilya ng kapatid niyang si Sarah.
Araw-araw nagpo-post si Pia ng kanyang mga ginagawa habang nandoon, kabilang na diyan ang kanyang dates kasama ang boyfriend na si Jeremy Jauncey at pagiging ninang sa inaanak niyang si Lara.
Sa Instagram, ibinahagi ni Pia na si Lara ang lucky charm niya sa buhay.
Kuwento niya, maraming beses siyang lumipad sa Inglatera para salubungin ang inaanak noong 2014 ngunit hindi ito nangyayari.
Aniya, “Hintay ako ng hintay. Nag New Year na, 'di pa rin siya lumalabas! I really wanted to wait and be there for when it happens but my sister said, 'Sige na, umuwi ka na. Malapit na mag-screening sa Binibini.'
“So, I left and flew back to Manila.
“The day I became an official candidate for 2015, Lara was born tapos nag sunud-sunod na 'yung swerte ko for that year and moving forward.”
Biro pa niya, “She's growing so fast at nakakatuwang makita na sobrang generous nya sa friends nya, lagi syang nagsye-share kahit ng pagkain. At mahilig syang kumanta at sumayaw (with feelings)!”
Looking through the years
Hindi rin napigilan ni Pia na balikan ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay upang matupad ang kanyang mga pangarap gamit ang isang slideshow.
Sa Instagram, isinaad ng beauty queen na naging “senti ako this weekend” kaya napagawa siya ng isang slideshow na nagpapakita ng kanyang buhay.
Aniya, “Hindi naging madali at maraming beses na naging malabo din kung matutupad ko pa ba 'yung mga pangarap ko.
“Basta malinis ang intensyon mo, nagsusumikap ka, 'di ka sumusuko, at ginagalingan mo sa kahit ano'ng ginagawa mo, dadating din 'yung moment na matutupad mo ang ilan sa mga pangarap mo.”