
Kahit busy sa shooting ng kanyang pelikula si 2015 Miss Universe Pia Wurtbach, updated pa rin ang beauty queen sa mga naganap sa 2019 Binibining Pilipinas coronation night.
Sa kanyang post sa Instagram Story, ibinahagi ni Queen Pia ang saloobin sa naging resulta ng pageant.
Isa na dito ang nakakagulat na nangyari kay Vickie Rushton na humakot ng special awards, pero bigo na makasungkit sa korona.
Umabot sa hindi baba sa five special awards ang nakuha ni Vickie na ni-represent ang Negros Occidental.
Umabot naman si Vickie Rushton sa Top 15, pero hindi niya nagawang malampasan ang achievement niya last year na mag first runner-up.
Ayon kay Pia, hindi madali lumaban sa isang malaking pageant tulad ng Binibining Pilipinas.
Kaya buo ang suporta niya kay Vickie na sana daw ay muling lumaban.
“My heart also breaks for Vickie. I hope she can try again. I believe this girl is smart. Nerves can happen to even the best of us. Keep your chin up.”
Happy din si Pia Wurztbach sa pagkapanalo ng 'favorite' niya na si Gazini Ganados na mula Talisay, Cebu.
Pinuri din ng morena beauty queen si reigning Miss Universe Catriona Gray na nagbigay ng emotional farewell speech.
Nakakamangha din ayon kay Pia Wurztbach ang Waling-Waling flower inspired gown ni Catriona na likha ni Mak Tumang.