GMA Logo John David Martin
Celebrity Life

Pictorial ng pamilya na lahat ay guro ang napiling propesyon, nakapag-inspire ng maraming netizens

By Jimboy Napoles
Published September 30, 2021 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

John David Martin


Kaugnay sa selebrasyon ng World Teacher's Day, narito ang kwento ng isang pamilya na lahat ay guro ang napiling propesyon.

Sa rami ng online content ngayon sa TikTok, may isang video ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens. Ito ay ang video habang nasa pictorial ang isang pamilya suot ang kanilang mga graduation toga. Ang pamilya pala na ito, puro pagiging guro ang napiling propesyon.

@johndavidmartin ANG KATUPARAN NG PANGARAP NI MAMA! ♥️ #Teachers #CongratsMa #SirJuan ♬ MAPA - SB19

Pangarap daw ng ina ni John David Martin o ni Sir Juan na magkaroon sila ng picture suot ang kanilang mga toga bilang tanda ng kanilang pagtatapos sa kursong elementary at secondary education. Huling taon na rin daw kasi sa pagtuturo ng kaniyang ina na si Maam Grecela Martin kaya ito ang napili niyang pabaon mula sa kaniyang pagiging guro.

“Last year na ito ni Mama sa pagtuturo dahil magre-retire na siya ngayong 2022, she spent 35 years in the service. Ang kapatid ko ay 4 years na sa public school, ako naman ay 4 years sa private school and going 5 sa public school. Ang bunso namin, kakagraduate lang,” kwento ni Sir Juan.

Sa dinamirami ng mga propesyon bakit kaya pagtuturo ang kanilang napiling gawin? Narito ang naging sagot ni Sir Juan.

“Sa aming apat, si Mama (Grecela Martin) talaga ang gustong maging guro, pangarap niya yun, samantalang ako, pagiging broadcaster talaga ang aking pangarap, pero dinala ako ng Diyos sa propesyong ito...at ang kapatid ko naman (Sharlene Grace Martin), nakakatawa pero kaya lang siya naging guro dahil ako ang nagsabi sa kanya. Kailangan ko noon ng partner sa dancesports, na dapat ay kaparehong course, so ayun, nag-teacher siya sa college para lang may makapartner ako sa sayaw, pero minahal nya at niyakap ang pagiging guro. Ang bunso (John Ysrael Martin), naimpluwensyahan naming tatlo,” kuwento pa niya.

Wala naman daw silang naging pagsisisi sa napili nilang trabaho. Sa katunayan, nagpapasalamat pa nga raw sila dahil ngayon isa na rin sila sa mga instrumento para magbigay ng edukasyon sa mga kabataan.

“Very thankful and proud, super proud dahil ang trabaho namin ay makatulong sa paghuhubog sa kinabukasan ng mga kabataan. Nakakatuwang isipin na pare-pareho kaming nandto sa tinatawag na NOBLEST PROFFESSION. Nakakatuwa din kapag naririnig at nakikita mo ang reaksyon ng ibang tao kapag nalalaman nila na kayo ay FAMILY OF TEACHERS,” dagdag ni Sir Juan.

Source: John David Martin

Pero gaya ng maraming mga trabaho na naagrabyado sa pagdating ng pandemya, silang mga guro ang isa sa labis na naapektuhan ng mga pagbabago at krisis dulot ng COVID-19.

“Siguro, ang pandemic na 'to ang naging pinaka-struggle namin bilang guro. Nanibago sa simula sa bagong sistema. Pero dahil din sa pandemic na 'to, kaya naranasan din namin ang isa pang pagpapala sa aming career bilang guro dahil kaming magkapatid ay naging Teacher-Broadcasters,” sabi pa niya.

Ang kanilang video sa TikTok ay mayroon ng 100,000 views at umani pa ng mga positibong kumento mula sa netizens.

Sabi ni @giraaaay, “Naiiyak akooo pangalawa pa lang ako na gagraduate na teacher sa pamilyaa, congrats po.”

Source Sir Juan TikTok

Pangarap din daw ng isang netizen ang pictorial na ito. Sabi ni Maricar Ortiz, “Pangarap ko din to .. promise bblikan q to pag graduate na apat Kong anak.”

Source Sir Juan TikTok

May kurot naman sa puso ang comment na ito ni @apriljeian, “Pangarap din to ng mama ko kaso di na niya kami naabutan mag graduate ng kuya ko anyway, congrats po!”

Source Sir Juan TikTok

Marami rin ang natuwa sa kanilang pamilya gaya ng dalawang netizens na ito.

“Omg! Family Goal Godbless your family,” ani @Rhenj Falcon. “Wow!!! Congratulations po. Gonna put that on my bucketlist!” comment naman ni @Anggeeeee.

Source Sir Juan TikTok

May mensahe rin si Sir Juan sa kanilang mga kapwa guro na kasalukuyang nagsisikap ngayon maitawid lang ang mga leksiyon gamit ang bagong learning modalities.

Ayon pa kay Sir Juan, “Patuloy po nating yakapin ang ating pagiging guro... Alam ko po na mas mahirap sa panahong ito dahil sa nararanasan nating pandemya, pero mas tatagan pa po natin dahil mas higit na kailangan tayo ng mga kabataan ngayon. Tuloy lang po tayo sa pagbibigay ng ilaw at inspirasyon sa kanila. Happy teacher's day po sa lahat at patuloy tayong maging pagpapala sa lahat ng pagkakataon.”

Isa lamang ang kwentong ito ng pamilya Martin sa maraming istorya ng tagumpay ng pamilyang Pilipino na nagsisikap upang makatulong hindi lang para sa mga sarili kundi para maging instrumento rin sa paghubog ng isang matalinong lipunan.

Samantala, narito naman ang ilang celebrities na bukod sa pagiging artista ay kinarir din ang pagiging guro.