
Nag-trending agad sa Twitter ang pictorial ng TODA One I Love, ang bagong teleserye na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Kylie Padilla.
Trending sa number 1 spot ang #TODAOneILovePhotoShoot kahapon, December 17.
Ang TODA One I Love ay ang pinakabagong romantic-comedy drama na may kasamang baon para sa darating na election na hatid ng GMA News and Public Affairs.
Makakasama nina Ruru at Kylie sina David Licauco, Jackie Rice, Victor Neri, Gladys Reyes at Kimpoy Feliciano.
Abangan ang TODA One I Love sa GMA Telebabad sa 2019!