
Nagsimula na ang kompetisyon sa MGI All Stars pageant pagkatapos ipakilala ng organisasyon ang tatlong delegada na top three queens sa online voting.
Inanunsyo ng Miss Grand International organization na sila Nguyễn Hương Giang ng Vietnam, Alexia Nuñez ng Pilipinas, at Francia Cortez ng Mexico ang top three sa botohan para sa “All Stars: World Famous” activity ng pageant. Silang tatlo ang maglalakad sa finale ng “Welcome All the Stars to Bangkok” event sa May 20.
Nagsimula ang online voting para sa event na ito noong nakaraang lingo. Nag-upload ang Miss Grand International organization ng mga larawan ng mga kandidata ngayong taon, kasama ang instruction kung paano bumoto sa caption.
Maliban kay Alexia, ang mga pambato ng Pilipinas sa pageant ay si Kapuso star Gazini Ganados, at mga pageant veterans na sila Imelda Schewighart, Keylyn Trajano, at Fuschia Anne Ravena.
Iba-iba ang kwento ng apat na mga delegada ng bansa sa MGI All Stars. Sa isang interview with GMA Lifestyle, sinabi ni Gazini na sumali siya sa kompetisyon bilang isang healed and evolved person.
“The past year has allowed me to grow and heal and understand myself beyond the titles, beyond the glitz and glam,” paliwanag niya. “I am ready to represent myself, my identity, with intention, and that is as a Filipina-Palestinian, who is still experiencing the gravity of the war in Palestine.”
RELATED GALLERY: Gazini Ganados' stunning glam looks
Si Keylyn Trajano naman ay nagkaroon ng crowning and sashing ceremony.
Sa caption sa Instagram post na nag-announce ng ceremony, inilarawan ito ng organisasyon bilang “the beginning of a powerful story—one fueled by passion, perseverance, and the unwavering support of those who believe in her.” Inilarawan din si Keylyn bilang huwaran ng isang “modern queen.”
Naglabas din ng official portrait ni Keylyn nitong nakaraang buwan.
Samantala, naging parte ng MGI All Stars si Imelda Schweighart pagkatapos siyang matanggal mula sa Miss Universe Philippines pageant. Bagama't hindi diretsong pinangalanan sa Instagram post ng Miss Universe Philippines, sinabi sa statement na merong “certain behaviors” si Imelda na sinbukan nang gabayan ng organisasyon to “address the situation.”
RELATED GALLERY: Check out the controversial events in this year's pageant scene
Ini-launch ng Miss Grand International organization ang MGI All Stars noong Disyembre ng nakaraang taon. Ayon sa organisasyon, "every queen who dares to return to the spotlight, no matter which stage in the world you once called home" ay maaaring lumahok. “When dreams rise beyond limits, a new chapter begins” din ang caption ng teaser.
Ayon sa organisasyon, bukas ang pageant sa cisgender and transgender women, aged 20 to 40, na lumahok na sa isang international beauty pageant. Ang premyo sa pageant ay US$100,000 hanggang US$1,000,000.