
Nagsimula na kahapon ang world premiere ng pinakabagong family drama series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, at Cassy Legaspi.
Nakakuha ng rating na 5.6 percent ang unang episode ng naturang serye, base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod dito, umani rin ng papuri ang pilot episode ng Hating Kapatid mula sa netizens. Marami ang natuwa sa unang pagsasama-sama ng buong Legaspi family sa isang drama series at sa kuwento nito.
Balikan ang pilot episode ng Hating Kapatid sa video na ito.
EMBED:
Samantala, patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HATING KAPATID SA GALLERY NA ITO.
ID: 25153
LINK: https://www.gmanetwork.com/entertainment/photos/stellar-cast-ng-hating-kapatid-ipinakilala-sa-media-conference/25153/