
Ilang oras bago ang world premiere, certified trending na sa social media ang bagong family sports drama ng GMA na Kamao, na pinagbibidahan ng Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon.
Dalawa sa hot topics ngayong araw, May 25, sa X ang official hashtag ng Kamao pilot episode na #KamaoRoundOne at "ANTON AS MAKMAK."
Sa unang episode ng serye, ipinakilala ang character ni Anton bilang MakMak sa isang boxing match kung saan siya ay napatumba, bago ito lumipat sa flashback ng kanyang pagkabata kung saan hinahangaan niya ang kanyang ama na si Nonoy (Neil Ryan Sese), isang respetadong boksingero na may lihim na pagkatao.
Ang ama ni MakMak na si Nonoy ay isang disiplinadong boksingero at mabuting provider, ngunit unti-unting lumalabas ang kanyang sikreto tungkol sa kanyang sekswalidad. Ang high school friend niyang si Zeus (Ahron Villena) lamang ang nakakaalam nito, na nagiging simula ng matinding pressure na kalaunan ay sasabog sa publiko.
Habang papalapit ang malaking laban ni Nonoy at ng katunggali niyang si Caloy (Wendell Ramos), tumindi ang emosyon at pressure hanggang sa mabunyag ang sikreto ni Nonoy sa publiko nang lumabas ang sex scandal nila ni Zeus habang nasa kalagitnaan ng laban. Dahil dito, nawalan siya ng pokus sa laban at naapektuhan hindi lamang ang kanyang karera kundi pati ang kanyang pamilya.
Patuloy na subaybayan ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA Afternoon Prime.
Available din ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
Ipinapalabas din ang programa overseas via GMA Pinoy TV.
RELATED FEATURE: Cast ng Kamao, kilalanin!