GMA Logo The World Between Us
What's on TV

Pilot episode ng 'The World Between Us' pinag-usapan ng mga manonood

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 6, 2021 2:35 PM PHT
Updated July 6, 2021 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

The World Between Us


Napanood n'yo ba ang nakakagulat na pilot episode ng 'The World Between Us?'

Positibo ang naging reaksyon ng mga manonood sa pilot episode ng inaabangang The World Between Us, kahapon, July 5. Marami ang tumutok dahil nagbabalik sa primetime ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.

Napanood na kahapon ang nakaka-inspire na buhay ni Louie, ang karakter na gagampanan ni Alden paglaki, at kung paano siya nagsumikap kahit na hindi sila mayaman.

Dahil dito, maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang nararamdaman sa Twitter, kung saan nag-trending ang hashtag ng show na #TheWorldBetweenUs sa 3rd spot.

The World Between Us

Number 3 trending topic sa Twitter Philippines kagabi, July 5, ang pilot episode ng 'The World Between Us.' / Source: miyukimewmyu (Twitter)

Tweet ng isang netizen, "Nakaka-inspire naman talaga mag-aral tulad ni Louie, lalo na 'pag mga parents natin ang ating inspiration."

Bukod sa mga karakter, pinuri rin ng netizens ang magandang istorya ng The World Between Us.

Komento ng isang netizen, pakiramdam niya ay "in love" siya pagkatapos ng pilot episode.

Tweet niya, "Super galing at napakaganda po talaga, parang ma-in love na rin ako. Super ganda ng pilot episode gravehh."

Marami naman ang nagulat sa eksena ng ina ni Louie na si Clara (Glydel Mercado) nang mabangga ito.

Kuwento ng isang manonood, "Nagulat 'yung nanay ko dun sa bangga scene, ang linis nung editing, ang ganda, sigawan talaga, e."

Hindi rin nakalimutan ng mga manonood na pasalamatan ang direktor ng The World Between Us na si Dominic Zapata.

Pansin ng isang manonood, talagang pang-world class ang galing ni Direk Dom.

Ugaliin ang panonood ng The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, mas kilalanin pa ang gumaganap na mga batang Louie, Lia, at Brian, ang mga karakter na gagampanan nina Alden, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez, DITO: