GMA Logo Unbreak My Heart stars
Courtesy: GMA, ABS-CBN, Dreamscape
What's on TV

Pilot episode ng 'Unbreak My Heart' at isa sa lead stars nito na si Gabbi Garcia, nag-trending!

By EJ Chua
Published May 30, 2023 11:18 AM PHT
Updated May 30, 2023 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran's government offers dialogue as protests spread to universities
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Unbreak My Heart stars


Maraming salamat sa inyong pagsuporta sa unang episode ng #UnbreakMyHeart, mga Kapuso at mga Kapamilya.

Mainit ang naging pagtanggap ng viewers at netizens sa biggest collaboration project ng GMA, ABS-CBN, at Viu.

Nito lamang Lunes, May 29, nagsimula nang ipalabas ang drama series na Unbreak My Heart sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies.

Napanood naman ang advance streaming ng serye nito lamang nakaraang Sabado, May 27, sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

Bumuhos ang suporta ng mga manonood sa pilot episode ng teleserye, kung saan nakilala na ang mga karakter ng ilan sa lead stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Ilang minuto lang matapos ang premiere ng serye, nag-trending at talaga namang pinag-usapan na ito sa social media.

Nanguna sa listahan ng Trending in the Philippines kagabi ang #UnbreakMyHeart.

Bukod pa rito, nag-trending din ang karakter ng Sparkle star na si Gabbi Garcia sa Twitter.

Kabilang sa mga natunghayan sa premiere ay ang unang beses na pagtatagpo ng mga karakter nina Joshua at Jodi na sina Renz at Rose sa Switzerland.

Ipinasilip na rin ang ilang eksena na napadaan ang karakter ni Gabbi na si Alex malapit sa kinaroroonan nina Renz at Rose.

Natunghayan din ang mga eksena ng Kapuso Chinito actor na si Richard at award-winning actress na si Jodi habang sila ay nag-aaway sa isang airport.

Samantala, ang ilang viewers at netizens, labis na namangha sa ganda ng mga lugar kung saan kinuhanan ang mga eksena para sa serye.

Narito ang ilang positive reactions at comments ng mga nakapanood ng pilot episode:

Patuloy na subaybayan ang Unbreak My Heart, mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV at TFC.

Maaari namang mapanood ang advance streaming ng serye sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG NAGING KAGANAPAN SA KATATAPOS LANG NA UNBREAK MY HEART MEDIA DAY SA GALLERY SA IBABA: