GMA Logo Underage
What's on TV

Pilot episode of 'Underage' reaches 1.5M views on YouTube!

By Dianne Mariano
Published January 24, 2023 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Underage


Umabot na sa mahigit 1.5M views sa YouTube ang pilot episode ng pinakabagong afternoon drama series na 'Underage.'

Talagang sinubaybayan ng mga manonood ang kauna-unahang episode ng newest GMA Afternoon Prime series na Underage sa telebisyon at maging sa social media.

Nakapagtala ng mahigit 1.5 million views ang nasabing episode ng serye sa video-sharing platform na YouTube.

Matatandaan na iba't ibang matitindi at emosyonal na eksena ang napanood sa pilot episode ng Underage. Isa na rito ay ang naging viral video ng Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes) na sumasayaw sa ilog.

Sa eksenang ito, nagkaroon ng wardrobe malfunction ang bunsong si Chynna habang sila'y nagvi-video nang sumasayaw sa ilog at mayroong lalaking patagong kinukuhanan sila ng video. Katunayan, umani pa ng mahigit two million views ang naturang eksena sa GMA Drama Facebook page.

Nasaksihan din dito ang pagkamatay ni Delfin Serrano (Smokey Manaloto) matapos maaksidente sa daan nang habulin si Lester (Anjay Anson), ang binatang kumuha at nagpakalat ng video ng Serrano sisters.

Nagwagi rin sa ratings ang pilot episode ng Underage dahil nakakuha ito ng 7.2 percent, base sa NUTAM People Ratings.

Subaybayan ang mga kaabang-abang na tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via livestream sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG STELLAR CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.