
Nagsimula sa tuksuhan pero talagang kinakiligan ang "unexpected love team" na nabuo sa Bawal Judgemental sa January 20, episode ng longest running noontime show na Eat Bulaga.
Tila buong bansa ang tumutok sa posibleng love story ng mga pilotong sina Steffi Buenafe at Jeremy Go na nagkakilala sa contest.
Bagay daw ang dalawa dahil bukod sa pareho sila ng trabaho, pareho din silang single at available.
Nagkita na muli ang dalawang piloto sa Clark, Pampanga.
Nag-post sina Steffi at Jeremy sa kanikanilang mga social media account ng simpleng picture nila habang magkasama.
Panoorin muli ang pagkakakilala nina Steffi at Jeremy sa Bawal Judgemental.
PANOORIN: Maine Mendoza, nangisay sa kilig sa 'Bawal Judgmental'
WATCH: GMA News reporters let loose on Eat Bulaga's 'Bawal Ang Judgmental'