
Patindi na nang patindi ang maaaksyong eksena ngayong huling linggo na ng GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Dahil sa lahat ng nangyari, wala nang makakapigil pa kay Matos (Bruce Roeland) sa pagsugod niya sa Sitio Liwanag kasama ang kanyang mga tropa.
Mapipigilan kaya ito ng Mga Batang Riles na sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon)?
Malaking tanong rin kung kanino kakampi si Rendon (Jay Manalo) ngayong dati siyang taga-riles pero itinuturing niyang anak si Matos?
Panoorin ang huling linggo ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 10:30pm sa GTV.