What's on TV

'Pinas Sarap' mapapanood sa GMA-7 sa unang pagkakataon; tampok ang superfoods na pampalakas ng resistensya laban sa COVID-19

By Racquel Quieta
Published April 28, 2020 2:28 PM PHT
Updated August 13, 2021 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
2 boys trapped in Zamboanga City creek rescued
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kara David Pinas Sarap Superfoods


Mapapanood sa GMA-7 ang 'Pinas Sarap' ngayong Sabado, May 2! Ibabahagi ni Kara David ang superfoods na pampalakas ng resistensiya at recipes na pwede n'yong gayahin.

Kaabang-abang ang bawat episode ng 'Pinas Sarap' kung saaan ibinibida ang mga pagkain at lutong sikat sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Ngunit ngayong Sabado, May 2, espesyal ang handog na episode ng 'Pinas Sarap' dahil mga superfood o pagkaing pampalakas ng resistensya ang kanilang ibibida.

Napapanahon ang episode na ito ngayong may pinagdadaaanan tayong COVID-19 pandemic.

Importanteng manatiling malusog at malakas ang resistensya upang makaiwas sa kinatatakutang sakit.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni 'Pinas Sarap' host Kara David kung anu-ano ang dapat abangan sa kanilang Superfoods episode.

At bukod sa tampok na paksa, espesyal din ang Superfoods dahil ito ang kauna-unahang episode ng 'Pinas Sarap' na eere sa GMA. Mapapanood ito ngayong Sabado, 4:05 PM, pagkatapos ng iWitness sa GMA-7.

Mapapanood ang 'Pinas Sarap' sa GMA-7 ngayong May 2

Natatangi rin ang kanilang shooting experience dahil ang asawa ni Kara David na si LM Cancio ang nagsilbi niyang cameraman. Ika nga ni Kara, “Parang DIY episode ito.”

Para sa iba pang lifestyle content, pumunta lang sa Lifestyle page ng GMA.

At para sa pinakabagong balita tungkol sa Coronavirus Disease pandemic at sa enhanced community quarantine, punta lang sa COVID-19 page at ECQ page ng GMA Network.

LIST: Superfoods You Should Eat to Boost Your Immune System

Quick and Easy Recipes to Level Up Canned Food

WATCH: Kara David narrates how Jessica Soho accidentally discovered her potential as a journalist