What's Hot

Pinay ARMY na profoundly deaf, gumawa ng local version ng 'Permission to Dance' ng BTS

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 27, 2021 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP starts implementing arrest warrant vs Atong Ang, others
'Tigkiliwi' joins prestigious Fantasporto 2026 film festival in Portugal
Byron Garcia's plaint vs Cebu guv in alleged SWAT uniform junked

Article Inside Page


Showbiz News

Permission to Dance Filipino Sign Language


Sa music video ng 'Permission to Dance,' American Sign Language ang ginamit ng BTS kaya naman ginawan ito ng local version ng isang profoundly deaf Pinay ARMY gamit ang Filipino Sign Language.

Marami ang natuwa, lalong lalo na ang persons with disability (PWD), dahil ginamit ng Grammy-nominated Korean act na BTS ang American Sign Language sa music video ng kanilang kantang "Permission to Dance."

Dahil dito, na-inspire ang isang profoundly deaf Pinay ARMY na si Cristina Guanzon na gumawa ng local version ng "Permission to Dance" gamit ang Filipino Sign Language.

Panoorin:

Ayon sa report ng 24 Oras, noong pinanganak si Cristina ay hindi na nakakarinig ang kanyang kanang tenga samantalang severely deaf naman ang kaliwa.

Sa murang edad, nag-speech therapy si Cristina at nagsuot ng hearing aid hanggang tuluyan nang mawala ang kanyang pandinig.

Kaya naman noong napanood niya ang music video ng Permission to Dance, natuwa siya dahil nakausap sila ng BTS sa pamamagitan ng sign language.

Saad niya sa 24 Oras, "From the deaf and hard hearing committee, we love to dance but most of us cannot hear music.

"But with BTS, they were telling us it is okay to dance."

Isa ang BTS sa international celebrities na naging endorsers ng local brands. Kilalanin ang iba pa sa gallery na ito: