
Todo-todong suporta pa rin ang natanggap ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo mula sa mga Pilipino, kabilang na ang kapwa niya beauty queens sa kabila ng hindi niya pagpasok sa Top 10 ng Miss Universe 2020,
Si Miss Mexico Andrea Meza ang itinanghal na bagong Miss Universe. Ito ang ikatlong panalo ng kanyang bansa.
Active sa pagti-tweet sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Unvierse 2018 Catriona Gray mula simula hanggang matapos ang kumpetisyon.
Nang hindi tawagin ang pangalan ni Rabiya sa Top 10, nagpadala agad ng pagbati sina Pia at Catriona kay Rabiya.
Tweet ni Pia, "Rabiya you made us so proud! We know you put your heart into this and we love you! Mabuhay ang Pinay! #MissUniverse!"
Rabiya you made us so proud! We know you put your heart into this and we love you! Mabuhay ang Pinay! 🇵🇭 #MissUniverse
-- Pia Alonzo Wurtzbach (@PiaWurtzbach) May 17, 2021
Sulat naman ni Catriona sa isang tweet, "Woooow this year is intense!! Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! 11 Year consecutive semi-streak Pilipinassss #MissUniverse."
Woooow this year is intense!! 😲 Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! 💛 11 Year consecutive semi-streak Pilipinassss 🇵🇭🇵🇭🇵🇭 #MissUniverse
-- Catriona Gray (@catrionaelisa) May 17, 2021
Hindi lang sina Pia at Catriona ang mga beauty queen na nagpaabot ng suporta kay Rabiya dahil maging sina Janine Tugonon, Shamcey Supsup, at MJ Lastimosa ay tumungo sa Hollywood, Florida upang suportahan si Rabiya.
Samantala, natulala ang ina ni Rabiya na si Christine Mateo nang hindi tawagin ang kanyang anak sa Top 10 ng kumpetisyon.
Panoorin ang buong detalye sa report ni Nelson Canlas sa video sa itaas o panoorin dito.
Samantala, balikan muna ang naging paglalakbay ni Rabiya patungong Miss Universe: