GMA Logo Pinay firefighter, Vijoan Yumul
Courtesy: Vijoan Yumul
What's Hot

Pinay na bumbero, iniligtas ang batang nahulog sa railway sa Japan

By EJ Chua
Published June 6, 2026 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Knicks draw on maturity, moxie to take two in San Antonio
UST College of Science Class of 2026 inspired by chemist-entrepreneur Pinky Tobiano's commencement address
PRO-12 launches ‘Pito Patrol’ to beef up police presence

Article Inside Page


Showbiz News

Pinay firefighter, Vijoan Yumul


Bayani sa pagsagip sa batang nahulog sa riles ng tren sa Japan ang isang Pinay firefighter.

Labis na hinangaan ang isang Pinay na bumbero sa Japan dahil sa mabilis niyang pag-aksyon para mailigtas ang isang bata na nahulog sa riles ng tren.

To the rescue ang Pinay firefighter na kabilang sa isang grupo ng mga Pilipino na bumbero na naroon sa bansa.

Batay sa report ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon na ibinahagi sa GMA News, ipinamalas ni Fire Inspector Vijoan Yumul ang mabilis niyang pagresponde sa pagkahulog ng isang dalawang taong gulang na lalaki mula sa platform ng tren noong May 29.

Paglalahad ni Yumul, galing ang kanilang grupo sa isang event ng International Fire Chiefs Association of Asia sa Nagoya, Japan noong nangyari ang insidenteng naabutan nila.

Unang inakala ng grupo ng mga bumbero na cellphone lang ang nalaglag sa riles mula sa platform noong narinig nilang may sumisigaw.

“Pagsilip namin bata, nakahiga 'yung bata… Talagang humiga na ako, kinuha ko 'yung bata… siguro mga three to four feet 'yung lalim nung railway. Hindi na ako nagdalawang-isip na kunin siya,” pagbabahagi ni Yumul.

Bukod sa kanya, tumulong din ang isang Japanese at ligtas nilang naiangat ang bata sa platform.

Ang Pinay firefighter na nagligtas sa bata ay tubong Tarlac at siya ay nakadestino sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region II.

Courtesy: GMA Regional TV